Kampanya para sa Makabuluhang Dagdag-Sahod ng mga Kawani at Manggagawa sa Pampublikong Sektor sign now

KAMPANYA PARA SA MAKABULUHANG DAGDAG NA SAHOD

Maliit ang minimum sa sahod sa pribadong sektor, ibayong naging mas maliit pa ang second tranche ng Salary Standardization Law III (SSL III) na P7,575 na nagsimula sa P6,861 kada buwan na minimum pay ng isang kawani na nasa Step 1 na may Salary Grade 1. Malayung-malayo ito hambing sa tinatayang P28,710/buwan sa kenserbatibong pagtantya ng gobyerno na kinakailangan ng isang pamilyang may anim na kasapi upang mabuhay. Hindi pa kasama rito ang buwanang kinakaltas na buwis, GSIS premium contribution, Philhealth, Pag-ibig atbp. bago pa man mapasakamay ng mga kawani ang kanilang sweldo. Ang mga kawani sa Salary Grade 1 to 10 na karaniwang tumatanggap ng mas maliit na sweldo ay sIya rin namang unang target sa mga panukalang tanggalan ng bawat administrasyon.

Habang kinilala ng mga kawani ang ilang panimulang mga tagumpay sa laban sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na kampanya at sama-samang pagkilos, walang humpay ding inilantad at nilabanan ang mga probisyon sa SSL3 na nagkait ng mga dati nang benepisyong tinatamasa ng mga kawani at mga pakinabang na iniluwal ng mga pakibakang masa kasama na ang mga CNAs (Collective Negotiations Agreement). Nanawagan tayo ng "Full Implementation ng Salary Increase SSL 3 ngayong 2010" sa balangkas ng patuloy na pagdausdos ng halaga ng sweldo vis-a-vis sa walang patid na pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo.

Kahit pa man ang sweldo ng mga nurse at guro sa pampublikong hospital at paaralan (SG 11) ay maliit pa rin kung ihahambing sa cost of living.

Mas mababa at kadalasa'y hindi pa ipinatutupad ang umento kung ang mga kawani ay nasa mga Local Government Units o LGUs. Ang pagpapasweldo sa kanila ay ekspresyon ng wage regioanlization ng gobyernoo sa publiko sektor.

Benchmarking o paghahambing sa sahod sa pribado at publikong sektor ang ginamit na batayan at pamantayan nito. Lalu pang pinagtibay nito na dapat ay mababa at kadusta-dusta ang sahod ng mga manggagawa at kawani habang binibigyang katwiran naman ang pagtataas sa sweldo ng mga Executives.

Sa matagal na panahon, napag-iwanan ang minimum pay. Kahit ibigay pa ngayong taon nang buo ang umento sa SSL 3, nananatiling malayung-malayo ang P9000 na magiging minimum pay sa kasalukuyang cost of living, lalu pa sa darating na mga taon. Napakahalaga na itaas ang minimum pay sapagkat kinakatawan nito ang pinakamababang tinatanggap na sweldo at kung gayon, pinaka-nakararanas ng matinding pambubusabos sa hanay ng mga kawani sa pampublikong sektor.

Makatwiran lamang na maggiit para sa dagdag na sahod dahil naaayon ito sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan o pagbibigay ng katarungan at pagkilala sa mga batayang karapatan ng mga manggagawa, na silang lumilikha ng yaman ng bansa ngunit sila rin ang pinaka-inaapi at pinagsasamantalahang pwersa ng lipunan.

Ang pangangailangang itaas ng P6,000 sa minimum pay ay nasa balangkas ng panawagan para sa makabuluhang umento.

Ang laban para sa makabuluhang umento ay laban ng boung mamamayan dahil gaya ng usapin sa lupa, batayang isyu ng mayorya ng mamamayang Pilipino ang sahod. Ang tinipong lakas na ito ang siyang magtatakda ng ating kakamting tagumpay.

Kami, mga kawani at manggagawa sa pambublikong sektor, guro, manggagawang pangkalusugan, at mga mamamayan, ay ngkakaisang ipaglaban ang kagyat na makabuluhang dagdag-sahod na P6,000.00 sa minimum pay para sa mga taong gobyerno.

Sign The Petition

Sign with Facebook
OR

If you already have an account please sign in, otherwise register an account for free then sign the petition filling the fields below.
Email and the password will be your account data, you will be able to sign other petitions after logging in.

Privacy in the search engines? You can use a nickname:

Attention, the email address you supply must be valid in order to validate the signature, otherwise it will be deleted.

I confirm registration and I agree to Usage and Limitations of Services

I confirm that I have read the Privacy Policy

I agree to the Personal Data Processing

Shoutbox

Who signed this petition saw these petitions too:

Sign The Petition

Sign with Facebook
OR

If you already have an account please sign in

Comment

I confirm registration and I agree to Usage and Limitations of Services

I confirm that I have read the Privacy Policy

I agree to the Personal Data Processing

Goal reached !
100 / 100

Latest Signatures

  • 23 December 2015100. Leny Re
    I support this petition
  • 15 December 201599. Mary Joang
    I support this petition
  • 05 December 201598. Russell Bd
    please hear our plea as service providers of the government
  • 01 December 201597. Gigi Db
    I support this petition
  • 16 November 201596. Lauro Sv
    I support this petition
  • 15 November 201595. Kenneth T
    I support this petition
  • 13 November 201594. All Upacademicemployeesuniondilimanc
    Isulong ang karapatan at kagalingan ng mga kawani, REPS at guro sa pampublikong sektor! Itaas ang sahod!
  • 16 October 201593. Rogelio T
    Mabuhay ang mga manggagawa sa GOVT!
  • 30 September 201592. Alexter Gv
    I support this petition
  • 20 September 201591. Ferlyn Tm
    ito ay nararapat lng pra makasapat s pang araw2x n gastusin
  • 04 September 201590. Nieves Va
    I support this petition
  • 27 August 201589. John Ryanre
    Sana pantay ang umento sa lahat ng kawani hindi lang ang nasa mataas na position dahil ang nasa rank and file ay mas lublob sa trabaho.
  • 22 August 201588. Rosejr Rubio
    sana nga maapruban yung 6k dagdag na sahod kasi sa mahal ng mga bilihin hindi na kasya ang sinasahod namin kaya napipilitan mag loan dito mag loan doon ang mga mababang kawani ng gobyerno kasi nga sa taas ng bilihin ngayon at mahal ng gasolina at mahal ma
  • 22 August 201587. Maria Teresamb
    I support this petition
  • 15 August 201586. Abe C
    I support this petition
  • 30 July 201585. Larry Vo
    I support this petition
  • 01 July 201584. Michael Stanglm
    Sapat na Sahod, dapat lang!!!
  • 06 June 201583. Carlo Antonioc
    Sahod Itaas ! Presyo Ibaba !
  • 28 May 201582. Ryan Dm
    I support this petition
  • 21 May 201581. Neil L
    Sahod ITAAS, Presyo IBABA!
  • 14 May 201580. Joseph Patrickp
    I support this petition
  • 06 May 201579. Rene S
    I support this petition
  • 04 May 201578. Melanie S
    I support this petition
  • 23 February 201577. Danny A
    Nararapat lang kesa dambungin ng mga tiwaling mga opisyal ng gobyerno!
  • 06 January 201576. Lea Mj
    I support this petition
  • 08 December 201475. Abel Davis
    I support this petition
  • 19 October 201474. Geraldine Ddel
    I support this petition

browse all the signatures

Information

Gwendolyn MaciasBy:
Culture and SocietyIn:
Petition target:
President of the Philippines, Phillipine Congress

Tags

No tags

Share

Invite friends from your address book

Embed Codes

direct link

link for html

link for forum without title

link for forum with title

Widgets